Martes, Agosto 9, 2016

Gourmet Tuyo

Hello! Maulang araw sa lahat. At dahil maulan, puro pagkain nasa isip ko. Hahaha!

Kahapon, nagpost ako ng recipe ko ng Coffee Jelly Ice Candy. Tapos kagabi, habang hawak ko cellphone ko at nag-iinternet, nabisita ko na naman ang IG ni Neri Naig Miranda (@mrsnerimiranda). Super fan na fan ako ni Neri. I admire her pagiging wais at simpleng tao. And isa din ako sa excited sa paglabas ng baby nila!

Anyway, while browsing (again) her IG posts, nakita ko na naman yung Gourmet Tuyo na business nya. Sabi ko, mukhang madali lang naman gawin. At mukhang talagang masarap. Pagpunta ko next week sa palengke,bibili talaga ako ng tuyo. Gagawa ako pero pangpamilya lang muna.
Hehehe...Medyo kulang pa kasi ako sa confidence pagdating sa mga bagong recipe na gagawin ko.


Eto yung mga gawang GourmetTuyo ni Neri.


Pero wala ako nung recipe nya. Pero marami naman sa internet na makikita. At may isa akong kananay na nagshare naman ng recipe nya. Listed below:



Homemade Spicy Gourmet Tuyo in Garlic and Corn Oil Recipe
(For 1 small jar)

Ingredients:

• 10 - 15 pcs tuyo/dried herring (may cost P20-P40)
• ½ cup corn oil
• 6 cloves garlic, crushed
• 1 pc. siling labuyo (you may add more if you want it spicier), chopped (or just cut into 3)
• ½ cup vinegar
• sugar (optional for those who want it sweet)

Instructions:

1. In a casserole, heat corn oil. Fry garlic until golden, add labuyo and vinegar.
2. Bring to a boil then turn off heat. Add sugar according to your preference. Set aside.
3. Fry tuyo. Remove scales, head and tail. (You may also break it in flakes.)
4. Arrange in a sterilized bottle (or covered dish).
5. Pour the oil-vinegar mixture over tuyo.
6. Store in the refrigerator for several days to a week to allow flavors to blend.
7. When ready to be served, heat over low fire and sprinkle with toasted garlic.


Pwede nyo din to subukan lalo na nung mga stay at home mom na tulad ko! At pwede rin to tumagal sa ref up to 6 months!

Yan muna for now! See you on my next blog!

God bless us!


Lunes, Agosto 8, 2016

Coffee Jelly Ice Candy

Hello! Magandang araw! Tag-ulan na naman. Walang tigil ang ulan,nasaan ka araw? Masarap kumain at matulog maghapon.
Anyway highway, sinong may sabi na pang summer lang ang ice candy?
Last week, nag isip ako ng pwedeng itinda dito sa bahay dahil stay at home mom lang ako pero may maliit na negosyo. Naisip ko yung ice candy tutal puro bata naman dito sa lugar namin. Nag-isip ako ng masarap na flavor. Coffee Jelly. Dahil yan ang newest fave ng anak ko. Naghanap ako sa internet ng recipe. Hanggang sa sinubukan ko na. More or less 190 pesos lang puhunan ko.. Last week nag try nga ako okay na sana kaso tumabang nung tumigas na. Ganun daw talaga. Kaya,nung sunday, nagdagdag ako ng measurements ko. Listed below:

Ingredients:
2 packs Mr. Gulaman (Unflavored)
2 cans condensed milk
1 pack all purpose cream
1 kilo sugar (yung medyo brown)
coffee
cassava flour

Materials needed:
1 1/4 size ice candy plastic (triple hat brand gamit ko)
funnel
measuring cup
timba or small basin

Preparations:
Lutuin muna si Mr. Gulaman sa 2 liters ng water. Kanawin muna ng maigi yung gulaman bago isalang sa apoy. Pagkakulo,ilagay ang 2-3 tbsp ng coffee at 1 cup ng di medyo brown sugar (bawas ka dun sa 1 kilo). Pagluto na,ilagay sa mold at palamigin.

Habang pinapalamig si Mr. Gulaman,lutuin naman yung cassava flour. Magpakulo ng 2.6 liters ng water. While waiting,kanawin muna ang 1 1/2 cup ng cassava flour sa 600ml na water.Pag kumulo na,dahan dahang ibuhos yung kinanaw na cassava flour habang hinahalo (hingi ka help kay hubby!). Haluin lang ng haluin hanggang mangalay at maluto si flour. Pag okay na,isalin sa isang lalagyan na malinis. Pwedeng timba or palanggana. Basta dapat medyo malaki.

Pag malamig na si flour,ilagay na ang condensed milk,all purpose cream,brown sugar at yung gulaman. Yung gulaman dapat hiniwahiwa ng maliliit. Yung kakasya sa butas ng ice candy plastic. Paghaluhaluin mo lang, Halo lang ng halo.  Pwede mo sya tikman para kung sakaling nakukulangan ka pa sa tamis,pwede mo dagdagan. Yan kasing ginawa ko,si hubby ko ang nagsuggest dahil mahilig sya sa matamis. Kung sa tingin mo ay okay na,pwede ka na magplastic. Goodluck! Mga 2 hours lang yan. Hehehe... Nakagawa pala ako ng 128 pcs na ice candy sa mixture na yan. 2 oz each at binebenta ko ng 3 pesos dahil yan ang presyo ng mga ice candy sa neyborhood.


Goodluck ka momsie!

PS. Alam ko may magtatanong bakit may cassava flour.

Maganda kasi yung consistency ng ice candy pag tumigas na. Parang ice cream.