Hello! Magandang araw! Tag-ulan na naman. Walang tigil ang ulan,nasaan ka araw? Masarap kumain at matulog maghapon.
Anyway highway, sinong may sabi na pang summer lang ang ice candy?
Last week, nag isip ako ng pwedeng itinda dito sa bahay dahil stay at home mom lang ako pero may maliit na negosyo. Naisip ko yung ice candy tutal puro bata naman dito sa lugar namin. Nag-isip ako ng masarap na flavor. Coffee Jelly. Dahil yan ang newest fave ng anak ko. Naghanap ako sa internet ng recipe. Hanggang sa sinubukan ko na. More or less 190 pesos lang puhunan ko.. Last week nag try nga ako okay na sana kaso tumabang nung tumigas na. Ganun daw talaga. Kaya,nung sunday, nagdagdag ako ng measurements ko. Listed below:
Ingredients:
2 packs Mr. Gulaman (Unflavored)
2 cans condensed milk
1 pack all purpose cream
1 kilo sugar (yung medyo brown)
coffee
cassava flour
Materials needed:
1 1/4 size ice candy plastic (triple hat brand gamit ko)
funnel
measuring cup
timba or small basin
Preparations:
Lutuin muna si Mr. Gulaman sa 2 liters ng water. Kanawin muna ng maigi yung gulaman bago isalang sa apoy. Pagkakulo,ilagay ang 2-3 tbsp ng coffee at 1 cup ng di medyo brown sugar (bawas ka dun sa 1 kilo). Pagluto na,ilagay sa mold at palamigin.
Habang pinapalamig si Mr. Gulaman,lutuin naman yung cassava flour. Magpakulo ng 2.6 liters ng water. While waiting,kanawin muna ang 1 1/2 cup ng cassava flour sa 600ml na water.Pag kumulo na,dahan dahang ibuhos yung kinanaw na cassava flour habang hinahalo (hingi ka help kay hubby!). Haluin lang ng haluin hanggang mangalay at maluto si flour. Pag okay na,isalin sa isang lalagyan na malinis. Pwedeng timba or palanggana. Basta dapat medyo malaki.
Pag malamig na si flour,ilagay na ang condensed milk,all purpose cream,brown sugar at yung gulaman. Yung gulaman dapat hiniwahiwa ng maliliit. Yung kakasya sa butas ng ice candy plastic. Paghaluhaluin mo lang, Halo lang ng halo. Pwede mo sya tikman para kung sakaling nakukulangan ka pa sa tamis,pwede mo dagdagan. Yan kasing ginawa ko,si hubby ko ang nagsuggest dahil mahilig sya sa matamis. Kung sa tingin mo ay okay na,pwede ka na magplastic. Goodluck! Mga 2 hours lang yan. Hehehe... Nakagawa pala ako ng 128 pcs na ice candy sa mixture na yan. 2 oz each at binebenta ko ng 3 pesos dahil yan ang presyo ng mga ice candy sa neyborhood.
Goodluck ka momsie!
PS. Alam ko may magtatanong bakit may cassava flour.
Maganda kasi yung consistency ng ice candy pag tumigas na. Parang ice cream.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento